Posted April 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kinumpirma ngayon ng BRTF o Boracay Redevelopment Office
na inimbistigahan na nila ang itinatayong 7 storey building sa isla ng Boracay.
Bagama’t tumanggi na munang magbigay ng recorded
interview tungkol dito si BRTF Technical head Engr. Azur Gelito.
Sinabi nito na lumagpas sa area requirement ng Municipal
Ordinance No. 328 series of 2013 ang taas ng nasabing resort.
Nabatid kasi base pa sa ordinansa na hanggang apat na
palapag o 4 storey building sa area ng 1,000 sq m pataas ang pinahihintulutang
itayo sa isla.
Kaugnay nito, nagpapatuloy parin umano nilang
pinag-aaralan ang mga dokumentong hawak ng nasabing resort para sa kaukulang
disposisyon.
Samantala, sinubukan naman naming kunan uli ng pahayag
tungkol dito si SB Member Rowen Aguirre, subali’t wala pa kaming tugon na
natatanggap mula sa kanya.
No comments:
Post a Comment