Posted April 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iginiit ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan
na may ilang mga resort sa Boracay ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan revenue
district officer Eralen De Aro, binibigyan din umano nila ang mga ito ng
tiyansang makapagbayad ngunit kung hindi umano ay nagpapalabas sila ng order na
ipasarado ang establisyemento.
Idinagdag naman ni De Aro na nakakatanggap ang kanilang
tanggapan ng ilang reklamo tungkol sa mga negosyo sa Boracay na walang BIR
registration.
Dahil dito nagsagawa umano sila ng mapping sa Boracay
para alamin ang nasabing reklamo ngunit bigo naman silang matunton ang mga ito
matapos silang takbuhan.
Samantala, tumanggi namang pangalanan ng BIR kung anong
mga resort sa Boracay ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Nabatid na target ngayon ng BIR-Aklan na maka-kolekta ng
P1.5 billion sa tax ngayong taon.
No comments:
Post a Comment