Posted March 28, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa presento na ng Boracay PNP nagpaliwanag ang
isang lalaki matapos itong mahuli dahil sa kasong pagnanakaw.
Naaktuhan umano kasi siya habang kinukuha ang isang
I-phone 6 at I-phone 5 ng isang turista sa Station 1 Barangay Balabag kaninang
tanghali.
Base sa report ng Boracay PNP, iniwan ng babaeng
turista ang kanyang mga cell phone sa beach bed ng isang resort doon.
Subali’t umupo umano ang suspek malapit sa beach
bed at kinuha ang mga nasabing gamit.
Hindi nito sukat akalain na nakita pala siya ng
isang lalaki doon na agad namang sumita sa kanya.
Sa pagkagulat, nangatuwiran ang suspek na nahulog
sa buhanginan ang mga cell phone at nag-aktong ibabalik ang mga ito sa beach
bed.
Dahil dito, kaagad nagsumbong sa isang security
guard doon ang may-ari ng cell phone kung kaya’t naaresto ang suspek sa tulong
din ng mga tao sa lugar.
Samantala, pansamantalang ikinostodiya ng Boracay
PNP ang suspek sa kabila ng paliwanag at pagtanggi nito sa krimen.
No comments:
Post a Comment