Posted March 30, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ilan sa mga ito ang maliit lang
ang bahaging gigibain, habang may ilan naman na ‘major structures’ ang
tatamaan.
Kaugnay nito, nilinaw ngayon ng
BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na magbibigay ng konsiderasyon ang LGU
Malay sa mga establisemyentong kailangang gibain ang bahagi ng kanilang gusali
katulad ng malalaking poste.
Ayon kasi kay BRTF Secretary
Mabel Bacani, summer season ngayon kung saan ‘fully book’ ang mga resort, kung
kaya’t hindi ito maaaring i-demolish.
Nabatid na ikinabahala ng
karamihan sa mga establisemyento sa isla ang magiging epekto ng road easement.
Magiging ‘eye sore’ umano kasi
ito para sa mga turista kung ipagpapatuloy ang demolition lalo pa’t nalalapit
na ang APEC ministerial meeting.
Maliban dito, itinuturing ding
kawalan para sa mga resort kung magkakansela sila ng ‘bookings’ para
mag-voluntary redevelopment ngayong summer season.
No comments:
Post a Comment