Pages

Monday, March 09, 2015

BTAC at PCG, magsasanib-puwersa para tutukan ang Cargo Area sa Barangay Manoc-manoc

Posted March 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for cargo area boracayMagsasanib-puwersa na ngayon ang BTAC at PCG o Philippine Coastguard upang tutukan ang cargo area sa Barangay Manoc-manoc.

Ito ang kinumpirma ni Boracay Tourist Assistance Center OIC PSInsp.Frensy Andrade matapos ang apela nito ng suporta sa mga miyembro ng BAG o Boracay Action Group para sa nalalapit na APEC Ministerial meeting sa darating na Mayo.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony nitong umaga, sinabi ni Andrade na marami ang entry at exit points sa isla na dapat bantayan laban sa anumang banta sa seguridad ng APEC hosting ng isla.

Kaugnay nito, aminado rin si Andrade na maluwag ang seguridad sa cargo area kung kaya’t nag-usap na sila ng PCG upang mabantayan ang lugar.

Samantala, sinabi pa ni Andrade na makikipag-ugnayan din siya sa Maritime Police at mga taga Barangay Manoc-manoc.

Base naman sa mga impormasyong nakalap ng himpilang ito, may mga sasakyan at mga motorsiklong walang permit to transport ang malayang nakakadaan sa cargo area tuwing dis-oras ng gabi o madaling araw.

Maliban dito, naging daanan din umano ng mga kawatan ang lugar na siya namang ikinabahala ni Andrade.

No comments:

Post a Comment