Pages

Monday, March 09, 2015

Simpleng graduation rites, ikinatuwa ng DepEd Malay

Posted March 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for deped graduation 2015 themeIkinatuwa ng Department of Education (DepEd) Malay ang panawagan ni DepEd Secretary Armin Luistro na maging semple lamang sa mga isasagawang graduation rites sa bansa.

Ayon kay Malay District Supervisor Jessie Flores, malaking tulong ito sa mga magulang ng mga batang magtatapos ngayong taon dahil sa makakatipid umano sila sa mga gastusin katulad ng pag-renta ng tuga o pagbili ng mga damit na susuutin sa kanilang mga graduation.

Aniya, pabor siya na maging semple lang ang graduation rites dahil ang mahalaga umano rito ay ang nakapagtapos sila ng pag-aaral.

Sinabi pa nito na hinikayat na niya ang mga school principal sa bayan ng Malay na kung maaari ay school uniform nalang ang ipasuot sa mga bata sa kanilang pagtatapos at dapat umanong maging solemn o simpleng programa lang para iwas gastos.

Samantala, base sa ipinalabas na kalatas ng DepEd nakatakdang isagawa ang graduation ceremony sa lahat ng antas sa Elementary at Secondary Level sa bansa ngayong darating na Marso 26-27 ngayong taon.

No comments:

Post a Comment