Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaari umanong gawing unloading area ang
reclamation project sa Caticlan Jetty Port ayon kay Special Operation III Jean
Pontero ng Jetty Port Administration.
Aniya, nagkaroon umano ng pag-uusap ang engineering
office ng Caticlan Jetty Port patungkol dito kung saan isa sa kanilang plano ay
gawin itong unloading area ng mga bangka mula sa isla ng Boracay at ang
existing port umano ang magiging loading area.
Nabatid na matapos aprobahan ng Supreme Court ang
Reclamation Project sa Caticlan Jetty Port ay sinimulan na rin dito ang
pagtatambak ng lupa kasama na ang pagsasaayos ng sea wall.
Napag-alaman na ang Reclamation Project ay may
sukat na 2.6 hectares na proyekto ng Provincial Government ng Aklan na matagal
ding nakabinbin sa Korte Suprema bago naaprobahan.
Samantala, maraming plano ang nakatakdang ipatupad
ng Probinsya sa nasabing pantalan dahil sa patuloy na paglago ng turismo sa
Boracay kasama na ang Cruise Tour sa isla.
No comments:
Post a Comment