Posted March 24, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naghahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) para
sa inaasahang pagdagsa ng mga turistang paalis at papuntang Boracay ngayong
Semana Santa.
Ayon kay PCG Master at Arms Chief Petty Officer
Arnel Sulla, magkakaroon umano sila ng mga response team sa Cagban at Caticlan
Jetty Port, gayundin ang paglalagay ng medical personnel at hotline para sa mga
pasahero.
Ipapakalat din umano ang mga K-9 unit, emergency
response team at help desk sa nasabing mga pantalan.
Maliban dito, masusi din ang kanilang isinasagawang
pagmonitor sa operasyon ng mga RORO sa Caticlan.
Samantala, ipinaalala din ni Sulla ang mahigpit na
implementasyon ng pagsusuot ng life jacket sa lahat ng mga pasaherong sakay ng
mga bangkang may open hose deck.
Ipapatupad din anya ang tamang bilang ng mga
pasaherong sasakay ng mga bangkang bumibyahe sa isla, para maiwasan ang over
loading.
Payo pa nito sa mga turistang magbabakasyon sa isla
ng Boracay, magpa book ng maaga upang maiwasan ang mabagot sa pagpila ng
matagal sa port.
Mas makabubuti din umanong huwag nang ipilit pa ng
mga pasaherong sumakay ng barko, kapag puno na ang mga ito.
No comments:
Post a Comment