YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 13, 2014

Zone 6 at Zone 7 sa Barangay Balabag, planong palagyan ng tanod outpost

Posted October 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakahanda umanong tumulong ang Boracay PNP para peace and order ng Barangay Balabag.

Ito ang sinabi ni Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan tungkol sa planong paglagay ng tanod outpost sa Zone 6 at Zone 7 ng nasabing barangay.

Napag-usapan kasi sa ginanap na Balabag Barangay Assembly nitong Sabado ang tungkol sa ilang grupo ng kabataan sa lugar na madalas masangkot o lumikha ng gulo sa des-oras ng gabi.

Maliban dito, aminado rin si Gentallan sa mga nangyaring nakawan doon kung kaya’t napapanahon na rin umano na matutukan ang mga nasabing lugar.

Samantala, naniniwala din umano si Gentallan na hindi lamang ang Zone 6 at 7 sa Balabag ang dapat tutukan kungdi ang buong isla kung kaya’t sinabi pa nito na lalo nilang paiigtingin ang seguridad ng isla.

No comments:

Post a Comment