YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 14, 2014

Granada nakita sa bakanteng lote sa Boracay

Posted October 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang granada ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Sitio Hagdan Yapak Boracay kahapon.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, nakita ni Milda Soleterio ang nasabing granada na tinakpan ng dilaw na tape habang naglilinis ito sa kanyang hardin.

Samantala dahil sa impormasyon, kaagad namang rumesponde ang mga myembro ng Boracay Bomb Squad at kinuha ang granada para suriin, kung saan nabatid na isa pala itong improvised grenade.

No comments:

Post a Comment