Posted August 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumulog sa himpilan ng Boracay PNP ang
magkasintahang Russian national matapos umanong mabiktima ng kawatan sa isla ng
Boracay.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
dalawang turista na sina Ekaterina Bayborodina, 23 anyos at Evgenii
Semshchikov, 21 anyos ng Irkutsk Russia at guest ng isang resort sa Boracay.
Sumbong ng mga biktima, naka-upo ang mga ito sa
beach front malapit sa isang construction site sa Manoc-manoc Boracay nang
inilagay ni Ekaterina ang kanyang pera na dalawang libong piso at cellphone na
iPhone 5s sa kanilang tabi.
Kinalaunan, may ilan umanong tumatambay doon ang nakapansin
at nagsabing kinuha ng dalawang hindi kilalang lalaki ang kanilang mga gamit at
itinakbo.
Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang
imbestigsyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment