Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinangunahan ng LGU Malay ang demolition team sa West Cove
resort sa Diniwid Boracay kaninang alas-otso emedya ng umaga.
Dito sinimulang tibagin ang tinatawag na deck area kung
saan ito ay bahagi parin ng ipinapatupad na Boracay Redevelopment Task Force o
BRTF.
Wala naman sa isinagawang demolition ang mismong may-ari
ng Westcove na si Crisostomo “Kris” Aquino kung kaya’t ang abogado nalang nito
ang humarap sa mga kinauukulan.
Nagpakita rin ng presensya ang Department of
Environmental Resources (DENR) na siyang nagsilbi ng demolition order sa West Cove
resort.
Hindi rin nagpahuli ang Department of Tourism para
masaksihan ang isinagawang demolition na halos mahigit isang taon na ang
paghihintay kung kailan ito masisimulang tibagin.
Matatandaang naging kontrobersyal ang West Cove resort
makaraang babaan ng kautusan ng DENR, Department of Interior and Local
Government o DILG at ng LGU Malay na ipatanggal ito dahil sa lumabag sa batas
pangkapaligiran.
Samantal, umaasa
naman ang DENR at ang LGU Malay na mag tuloy-tuloy na ang gagawing demolition
ng tinaguriang “mother of all violators” sa Boracay.
No comments:
Post a Comment