Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Dadaong na sa
Boracay ngayong Biyernes ang MS Deutschland na may sakay na halos apat na raang
pasahero.
Ito’y kinabibilangan ng 367 German National, ilang Australian at isang Filipino kabilang na ang mahigit sa tatlong daang crew.
Ito’y kinabibilangan ng 367 German National, ilang Australian at isang Filipino kabilang na ang mahigit sa tatlong daang crew.
Sa ginanap na
Core Enforcement Group Meeting kahapon, pinangunahan ng Jetty Port
Administration ang pulong kung saan dinaluhan naman ito ng ibat-ibang concern
agencies sa isla.
Katulad sa
mga nagdaang meeting halos walang nabago sa mga preparasyon maliban na lamang
sa posibleng pag-iba ng ruta ng dadaanang kalsada ng mga nasabing turista dahil
sa isinasagawang road construction sa Brgy. Balabag.
Alas-otso ng
umaga ay inaasahang dadaong ang MS Deutschland na may hindi kalayuan sa Cagban
Jetty Port.
Kinumpirma naman
ng Jetty Port Administration na may kaliitan ang nasabing barko kumpara sa mga naunang
bumibisita sa Boracay nitong nakaraang taon.
Samantala,
babalik muli ang MS Europa 2 ngayong araw ng Sabado sa Boracay kung saan huli
itong bumisita sa isla nitong nakaraang Enero
at susundan naman ito ng MS Costa Victoria sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, magkakaroon naman ng iba't-ibang water sports activities ang sakay ng naturang barko pati na ang pag-iikot sa ilang magagandang lugar sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment