Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Malapit na ang araw ng mga puso kaya’t tumataas na
rin ngayon ang presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang okasyon.
Kaya’t payo narin ng ilang mga nagtitinda ng
bulaklak sa mga may planong mag-regalo sa kanilang mga minanamahal, mamili
habang maaga para maliban sa makakaiwas sa siksikan ay makakatipid pa.
Kaunti palang kasi sa mga nagtitinda ng mga
bulaklak ngayon ang nagtataas ng presyo.
Samantala ang iba naman ay halos umaabot sa
sengkwenta pesos hanggang limang daang peso ang itinaas sa presyo.
Sa ibang tindahan, ang dating 250 pesos kada
tatlong sanga ng local roses ay 500 pesos na ngayon, ang mga assorted flowers
na dati ay 250 pesos ay 450 na rin sa ngayon.
Samantala, nananitili naman sa dati nitong presyong
900 pesos kada tatlong sanga ang mga tulips, ecuadorian roses, blue roses at
tulips blue na nasa 250 pesos parin.
Pero sa mga nais namang makatipid, maaaring bumili
nalang umano ng mga stuff toys na nasa sengkwenta hanggang 1, 800 ang presyo
para sa mga malalaki.
Sa ngayon ay mapapansing, dagsa narin ang mga
mamimili sa dangwa habang papalapit ang Valentine’s Day.
No comments:
Post a Comment