Pages

Tuesday, February 11, 2014

Isa sa mga myembro ng “Trese Hudas Gang”, huli sa isang buy bust operation nitong Sabado

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kulong sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) ang isa sa mga myembro ng “Trese Hudas Gang”.

Ito’y matapos na mahuli ng Aklan Provincial Anti Illegal Drug Special Operations Task Group (AKPAIDSOTG) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang suspek nitong Sabado na nagtutulak ng illegal na droga sa isla.

Sinasabi na itong si Jose Pacete y Sumpay, alyas “toto” 22 anyos ay nadiskubrehang myembro pala ng “Trese Hudas Gang” kung saan sangkot din sa ilang mga nakawan.

Ayon sa report ng Boracay PNP Station, ang “Trese Hudas Gang” ay binubuo ng mga myembro na may edad 20 anyos hanggang 29 anyos.

Matatandaan, na kamakailan lang ay anim rin na iba pa ang nahuli ng mga pulis na nagtutulak ng mga illegal na droga sa isla ng Boracay.

Sa ngayon ang nasabing anim na iba pa ay kasalukuyan ding nasa kustodiya ng Aklan Rehabilitation Center (ARC) dahil sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

No comments:

Post a Comment