Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masaya ngayon ang mga taga Ati Community sa Sitio. Lugutan
Manoc-manoc Boracay.
Nagpadala kasi ang National Government ng karagdagang
pulis para sa kanilang seguridad matapos mabulabog ang mga ito nang may dumaang
backhoe malapit sa kanilang tinitirahan, halos dalawang buwan na ang
nakakalipas.
Natakot umano ang mga ito nang makitang may ginigiba malapit
sa kanilang lugar ang nasabing back hoe.
Dahil dito, lumapit sila sa iba’t-ibang ahensya ng
pamahalaan para sa kanilang seguridad, lalo pa’t may takot parin sila hanggang
ngayon dahil sa pagkakapaslang sa kanilang Spokesperson na si Dexter Condez.
Samantala dahil sa ipinadalang dagdag na kapulisan, labis-labis
ang pasasalamat ng mga taga Ati Community.
Kabilang naman sa mga tumulong sa pagbabantay ng
siguridad ng mga ATI ay ang mga taga Boracay PNP.
Sa kabilang dako, isang misa ang iaalay ng Ati Community
sa darating na Pebrero 22, bilang paggunita sa unang taong anibersaryo sa
pagkapaslang kay Dexter.
No comments:
Post a Comment