Pages

Friday, February 07, 2014

Ilang residente sa Brgy. Manoc-manoc Boracay, naalarma dahil sa nasunog na basurahan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mataas at makapal na usok.

Ito ang nagpaalarma sa ilang mga residente sa Brgy. Manoc-manoc Boracay kahapon matapos na masunog ang isang dumpsite doon na pagmamay-ari ng isang Hotel.

Ayon kay Boracay Fire Inspector Joseph Cadag, ito na ang kanilang ikalawang beses na pag-responde sa nasabing lugar dahil sa nasusunog na mga basura.

May mga bahay kasi na malapit sa nasabing dumpsite na pinangangambahang madamay sakaling kumalat ang apoy, dahilan upang tumawag ang mga residente ng bombero.

Agad naman na nirespondehan ng Boracay Fire ang nasabing lugar.

Bandang alas singko y medya ng hapon naganap ang sunog dahil sa di umano’y may mga batang nakita na naglalaro sa nasabing basurahan at pinaniniwalang nagsiga.

Subali’t dahil basa, nagdulot ito ng makapal at mataas na usok na siya ring ikinabahala ng ilang mga residente.

Bagama’t walang anumang naidulot na pinsala ang nasabing insidente, pinayuhan pa rin nina Inspector Cadag ang mga tao doon, na maging maingat sa apoy.

No comments:

Post a Comment