Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy umanong tinututukan ng Boracay Tourist
Assistance Center o BTAC ang mga security guards sa isla ng Boracay na may
criminal records.
Ayon kay BTAC Officer in charge P/Insp. Fidel
Gentallan.
Maliban sa upang matiyak na malinis ang record ng
mga sekyu, tinututukan din umano nila ang mga security guard na sangkot sa
awayan sa lupa o land dispute dito.
Ayon pa kay Gentallan, malalaman nila kung may mga
naka-file at mga pending cases o criminal record ang mga security guard kapag
kukuha ang mga ito ng police clearance sa BTAC.
Samantala, nilinaw naman ni Gentallan na bagama’t
kasama sila sa mga tumututok sa mga security guards sa isla, hawak parin umano
ng Firearms and Explosives, Security Agencies and Guards Sections (FESAGS) ang
mga record at pagsusuri sa mga nasabing sekyu.
Kamakailan, isang lalaki sa Boracay ang napaulat na
nabaril at napatay ng isang duty security guard na may kasong kriminal.
No comments:
Post a Comment