YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 16, 2013

Mga vendors na tatamaan ng 25+5 meter easement sa Boracay, may pansamantala nang malilipatan

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

May malilipatan na ang mga vendors na tatamaan ng 25+5 meter easement sa Boracay.

Ayon kay Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo, napag-usapan na ang pagkakaroon ng malilipatan ng mga nasabing vendors, subali’t naghintay umano sila, dahil wala pang tiyak na lugar.    

Kung kaya’t bilang Barangay Kapitan ng Barangay Balabag ay gumawa aniya ito ng paraan.

Magkaganoon pa man, nilinaw ni “Kap Lilibeth” na ang tinutukoy nitong designated area ay pansamantala lamang, habang wala pa talagang makitang mapaglilipatan.

Samantala, sinabi pa ni “Kap Lilibeth” na gumagawa din ng paraan si Mayor John Yap upang magkaroon ng malilipatan at magandang puwesto ang mga wawalising vendors ng easement sa isla.

Ang pansamantalang lugar na tinutukoy nito ay ang beach front ng Zone 6, sa Barangay Balabag.

No comments:

Post a Comment