YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 23, 2013

Boracay, muli na namang binaha dahil sa mahabang pag-ulan

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muli na namang binaha ang isla ng Boracay.

Ito’y dahil sa mahabang pag-ulang dulot ng nananalasang Intertropical Convergence Zone sa Luzon at Visayas.

Kaugnay nito, inatasan na ni Island Administrator Glenn SacapaƱo ang mga taga Solid Waste Team na i-pump ang tubig-baha, partikular na sa Sitio Ambolong, Manoc-manoc at Boracay National High School, papunta sa drainage.

Samantala, maliban sa ilang lugar sa isla na apektado ng pagbaha, ilang trabaho din at aktibidad ang naantala, dahil sa hindi kaagad nakatawid ang ilan nag-o-opisina sa isla ng Boracay nitong umaga.

Naapektuhan din kasi ng malakas na ulan at hangin ang biyahe ng mga bangka.

Maliban sa LGU Malay, patuloy namang nakaalerto ang mga taga Philippine Coast Guard kaugnay sa sama ng panahon ngayon.

3 comments:

  1. ki umulan naman ng malakas o hindi binabaha parin ang boracay particular na sa part ng station 3 infront of Reyes Haircut going to abrahms spa. bat until now di maaksyonan yan? to think na c kapitan sualog ang brgy capt ng nasabing area at nasa labas lang din ng spa nya ang binabaha dba? konting buhos lang ng ulan baha agad which is super perwesyo sa nga dumadaan don at sobrang nakakahiya sa mga turistang labas masok sa isla. AKSYONAN NA YAN SANA...mahiya naman kau oy, papasok ang mga turistang ganyan ang madadatnan, lalabas cla ng islang ganyan parin tas babalik ulit cla after a year GANYAN parin.. NO IMPROVEMENT in that area.... NO GOOD, SUPER BAD.....

    ReplyDelete