Nakatakdang maglunsad ng prayer rally bukas ang Simbahang Katoliko para sa pinaslang na Ati spokesman na si Dexter Condez.
Gaganapin ang nasabing prayer rally bukas ng hapon, sa pamamagitan ng tinatawag na Station of the cross na magsisimula sa Lupaing Ninuno sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.
Kaugnay nito, nagpaikot na ng imbitasyon sa pamamagitan ng sulat ang simbahan, na nilagdaan ni Parish Pastroral Council Coordinator Dionisio ‘Jony’ Salme at Holy Rosary Parish Team Ministry Moderator Fr. Nonoy Crisostomo.
Layunin umano ng nasabing aktibidad ay upang himukin ang publiko lalo na ang lahat ng mga Boracaynon na makibahagi sa pagdarasal upang mabigyang hustisya ang pagkakapaslang kay Condez.
Ang nasabing prayer rally at station of the cross ay magtatapos sa loob mismo ng nasabing simbahan.
Kaugnay nito, nananawagan naman ang pastoral council sa lahat ng mga lalahok na magdala ng mga streamer at banner na may nakalagay na Justice for Dexter.
Matatandaang si Condez ay ang Ati spokesman ng mga taga Boracay Ati Community na mag-iisang buwan nang pinaslang dahil sa umano’y agawan sa lupa.
No comments:
Post a Comment