YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 21, 2013

Dalawang lalaki sa Boracay, sugatan matapos pagtatagain ng lasing

Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Dalawang lalaki sa Boracay ang sugatan matapos pagtatagain ng isang lasing sa barangay Balabag.

Nangyari ang insidente dakung alas dos madaling araw ng Martes, habang naglalakad ang mga biktimang sina Ernes Jawali, bente dos anyos ng Posew Numancia, Aklan at Gerald Arroyo, trenta anyos ng Goding Ramos, Kalibo, Aklan.

Base sa imbestigasyon ng Boracay PNP, sinasabing huminto sa pagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang suspek na si Joven Ledesma, bente nuwebe anyos ng Anilao, Iloilo, sa mismong likuran ng mga naglalakad na biktima, at nagtanong kung bakit umano siya tinitingnan ng mga ito.

Dagdag pa nito, binantaan din umano ng suspek ang mga biktima na kanyang babalikan.

Bumalik nga ito na may dalang itak at bigla na lamang pinagtataga ang dalawa.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang dalawa, bago nila nadis-armahan ang lasing na si Joven.

Dalawang malalaking sugat sa mukha ang tinamo ni Gerald, habang sa kaliwang kamay naman ang tinamong sugat ni Ernes.

Kaagad namang dumating ang mga pulis kung saan naisugod sa ospital ang mga biktima.

No comments:

Post a Comment