YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 06, 2012

Comelec Malay, tumatanggap pa rin ng mga magpaparehistro

Elma Cahilig ng Malay Comelec
Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat pansamantalang ititigil ng limang araw ng Comelec Malay ang kanilang pagtanggap ng maghihistro para makapagboto, nilinaw ni Malay Comelec Officer Elma Cahilig na tuloy parin ang pagtanggap nila ng mga nagpaparehistro hanggang ika-31 pa ito ng Oktubre.

Aniya, ang tanggapan nila ay bukas simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Dagdag pa nito, ang kanilang tanggapan ay bukas kahit araw ng Sabado at holiday upang bigyang-daan ang mga magpaparehistrong mga empleyado at estudyante na hing pwede sa schedule na office hour ng Comelec.

Ngunit sa darating na Oktubre a-uno hanggang a-singko para bigyang daan umano ang filling of Candidacy para sa mga aspirant candidate sa bayang ito na tatakbo sa May 2013 election.

3 comments:

  1. may schedule po ba ng registration dito sa isla?

    ReplyDelete
  2. Wala po, sabi ng COMELEC Officer ng Malay, sa mga nais magparehistro, punta lamang po sa tanggapan nila. open sila Monday to Saturday pati Holiday. Matatapos ang registration until Oct. 31. Maraming salamat sa pagtatanong.

    ReplyDelete
  3. you could check here over here reference Dolabuy Fendi have a peek at this website official statement

    ReplyDelete