Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay Cabural, sinabi nitong una
na niyang binisita bilang pagbibigay-kortesiya ang Sangguniang Bayan ng Malay
nitong Martes kung saan ito ay humarap at nagpakilala sa mga miyembro ng
konseho.
Tiniyak ni Cabural ang 24/7 na police visibility sa isla,
lalo pa’t ngayong linggo ay nag-oobserba ang Philippine National Police (PNP) ng
Crime Prevention week.
Nakatakda na rin umano itong bumisita sa Muslim Community sa
isla sa susunod na mga araw.
Si Police Senior Inspector Joeffer Cabural ay matatandaang dumating
dito sa isla bilang bagong hepe ng Boracay PNP Station, kapalit ni Police
Senior Inspector Al Loren Bigay.
No comments:
Post a Comment