Mapayapa at walang
problema.
Ganito ilarawan ni Boracay Land Transport Multi-Purpose
Cooperative Chairman Ryan Tubi ang bente kuwatro oras na color coding scheme sa
mga traysikel sa Boracay na sinimulan noong ika-13 ng Agosto.
Sa panayam kay Tubi, sinabi nitong wala namang nagpaabot ng
anumang reklamo sa kanilang opisina hinggil sa pagpapatupad ng naturang
kautusan.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay ginawang dose oras lamang
ang biyahe ng mga traysikel base sa kulay na itinalaga ng nasabing kooperatiba.
Subalit dahil sa kahilingan din umano ng mga traysikel
drayber na gawing tag-24 oras ang biyahe ng bawat kulay ng traysikel, ay pinahintulutan
din ito ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Rason umano ng mga drayber, bitin parin para sa kanila ang
dose oras na biyahe.
Habang pabor naman sa kanila ang bente kuwatro oras, para
makapagpahinga naman sila ng maha-haba para sa susunod na araw nilang iskedyul.
Kaugnay nito, ang lahat ng mga namasadang traysikel sa isla
kahapon ay pawang kulay blue lamang, habang ngayong araw ng Martes ay tanging
ang mga kulay dilaw naman.
Samantala, kampanti din umano si Tubi na nasusunod nga ang
ganitong sistema, dahil bente kuwatro oras ding nagbabantay ang mga pulis,
municipal auxiliary police, at maging ang taga opisina ng BLTPMC para dito.
Matatandaang kamakailan ay ginawang dose oras ang biyahe ng
mga traysikel sa Boracay, sa paniniwalang ito ang magiging sagot sa problema sa
trapiko dito sa isla.
No comments:
Post a Comment