Pages

Friday, August 17, 2012

MOA sa bar enclosure, sisilipin at ipapatupad!

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Usap-usapan ngayon at topiko maging sa mga social networking site ng mga taga isla ng Boracay ang implementasyon ng Memorandum of Agreement o MOA sa Bar Enclosure sa gitna ng mga bar owners at ng lokal na pamahalaan ng Malay.

May ilang natuwa dahil napanindigan na ng LGU Malay na family tourist destination ang isla at may ilan ding nadismaya sa kadahilanang night life ang sadya ng ilang turista sa Boracay.

Bagamat unang araw ng Agosto ang implementasyon ng nasabing MOA na kung saan ay hango din sa municipal ordinance no. 144 na kung saan nagdedeklara na ang Boracay ay Noise Sensitive Zone  o mas kilalasa Noise Pollution Ordinace ng taong 2001, may ilang bar o disco houses pa rin sa isla ang lumalabag at hindi sumunod sa pinirmahang kasunduan.

Ayon kay SB Member Jupiter Gallenero, sisilipin nila ang pag papatupad ng nabanggit na MOA at ordinansa at dagdag pa nito na maaring mapasara o closure ang magiging parusa sa mga violators.

Maalalang kinumpirma ni Boracay Administrator Glenn SacapaƱo na may mga lumabag at ipapatawag ng kanyang tanggapan at pagpaliwanagin kung bakit hindi pa nag-comply ang ilan sa mga bar at disco houses na ito.

Nakasaad sa MOA na dapat gawing sound proof at pagsapit ng hating gabi o alas dose ay kailangan nang isara upang hindi na makapaglikha ng ingay sa mga nagpapahingang turista.

Sa ngayon ay may tatlong bar operator ang lumabag ayon sa administrador at MAP na kinabibilangan ng isang disco house sa station 1 at dalawa naman sa station 2.

No comments:

Post a Comment