Pages

Wednesday, May 09, 2012

Resolusyon sa pag-i-endorso ng SB Malay sa reklamasyon, nasa Supreme Court na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nababahala na rin si Aklan Governor Carlito Marquez sa sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan, lalo pa ngayong papasok na ang Habagat Season.

Ito ay dahil baka gumuho na lang aniya ang mga tinambak na bato at buhangin sa proyektong ito.

Bagamat nais umano nilang ayusin na ito sa kasalukuyan, pero wala silang nagagawa sa bagay na ito dahil nasa Supreme Court pa ang desisyon sa kasong ito.

Sa panayam ng himpilang ito kay Marquez nitong umaga, inihayag nito na isang “urgent motion” na ang ginawa ng probinsiya para sa Korte Suprema  at ang pag-endorsong ibinigay ng Sangguniang Bayan ng Malay sa 2.6-hec. na reklamasyon sa Caticlan ay isinama na umano doon isang buwan na ang nakakalipas.

Samantala, sa ngayon, lalo pa at alam na aniya ng lahat na abala na ang Supreme Court sa impeachment case ni SC Chief Justice Renato Corona, tiwala ang gobernador na  matatapos din ang lahat ng ito.

Dahil dito ay patuloy silang nananalig at nananalangin para maibigay na aniya ang maayos na serbisyo sa lumulobong bilang ng mga turista sa Boracay.

No comments:

Post a Comment