Bagamat kinumpirma kahapon ni Mersa Samillano, bagong Community
Environmental and Natural Resources Officer ng Boracay, na may Environmental
Compliance Certificate (ECC) na ang isang kumpaniya ng tubig sa Boracay para sa
gagawing paghuhukay upang paglatagan ng tubo, hindi pa rin ito nakalusot mula
kina SB Members Esel Flores at Rowen Aguirre.
Pagkarinig pa lamang ni Flores sa pahayag ni Samillano,
binalikan agad nito ng tanong ang CENRO Officer, kung bakit nauna pang magbigay
ng ECC ang DENR gayong wala pang pag-endorso mula sa konseho, lalo pa at ang
lokal na pamahalaan sana umano ang nakakaalam kung kritikal o hindi ang lugar
na tinutukoy na paglalagyan o paglalatagan ng straktura o proyekto.
Sinegundahan din ito ni Aguirre ng pagpuna na may
pagkakataon umanong nau-una at mabilis pa umanong magbigay ng ECC ang DENR kahit
na hindi pa ito naiad-daan sa namamahala sa isang lokalidad.
Mula doon ay ihinalimbawa ni Aguirre ang sitwasyon ng reklamasyon
sa Caticlan na kontrobersiyal pa rin hanggang sa ngayon dahil din sa katulad na
pangyayari.
Dahil sa mga katanungang ito, hindi na nakasagot pa si
Samillano makaraang siya ang balingan ng ganoong mga pagkuwestiyon at pahayag.
No comments:
Post a Comment