Ni Malbert Dalida, News Director, YES
FM Boracay
Kalaboso ang inabot
kahapon ng bente dos anyos na residente ng Boracay, matapos umano’y hindi
magsuot ng life jacket.
Sa police report ng Boracay PNP, nabatid na pinayuhan ng
municipal ordinance officer ang binata na magsuot ng life jacket, habang sakay
ng bangka papuntang Boracay.
Sa halip na sumunod, ay sinita pa umano nito ang ordinance
officer na kapwa pasahero nito sa bangka at sinabihang pasahero ka lang.
Nagpakita pa umano ng kawalang respeto ang inirereklamong
lalaki at nagsimulang mag name drop o magbanggit ng pangalan ng mga pulis na
kilala nito.
Dahil sa nasabing iskandalo sa bangka, ay nabahala ang mga
pasahero doon.
Minarapat namang pagpahingahin sa presento ng pulis ang
binata, na sinasabing nasa impluwensya ng nakalalangong inumin.
No comments:
Post a Comment