YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 12, 2012

Respeto sa Traffic Sign at pagkakaroon ng Fire Station sa Mainland Malay, hiniling ng SB Malay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi na nirerespito ang mga traffic signage na ipinakalat sa mga kalye, na kung iispin ginastusan ito ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa siguridad at kaligtasan ng publiko lalo ng mga sasakyan sa kalye.

Ito naman ang ipinaabot na sentimeyento ni SB Member Jupiter Gallenero, Chairman ng Committee on Pulic Safety and Accountability, kung saan kasama sa mga sintiyementong ipinaabot ng ilang pa nitong kasamahan sa konseho.

Bagay na hiniling nito na sana ay bigyang pansin na rin sana para maipasunod at maipatupad ang nakalatag sa mga sinage na ito.

Maliban dito, bahagi din ng opening salvo at dagdag sa listahan ng Sangguniang Bayan ay ang proposisyong magkaroon na rin ng fire truck sa mainland ng Malay ayon kay Gallenero.

Bagay ng kwenisyon naman ng ibang miyembro ng konseho, dahil kapag may fire truck, nanga-ngailangan din aniya ng fireman o bombero gayon din ng himpilan o gusali para sa mga ito.

Subalit pasimpleng bumanat si Gallenero, sa pagsasabing, ”kailangan pa aniyang antaying magkasunog bago magkaroon ng bombero”.

Dahil dito, inihayag ni SB Member Rowen Agguire na titingnan nito sa pundo ng LGU kung kakayanin ng local na pamahalaan ng Malay na makabili ng fire truck para sa mainland.

Paliwanag kasi ni Gallenero, kailangan din ito sa mainland upang maiwasan ang pagkawala o pinsala sa mga ari-arian at buhay ng tao dala ng matagal na pagresponsde sa sunog.

Bilang tugong, sinabi ni vice Mayor Ceceron Cawaling na ipapaabot nito ang nasabing usaping sa Punong Ehekutibo.

No comments:

Post a Comment