YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 12, 2012

Kasong isinampa laban kay Yapak Punong Brgy Hector Casidsid, sismulan nang dingin


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pagbungad palang ng taon pinag usapan na at itinakda nang simulang ng EnBanc ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagberipika sa reklamong isinampa laban kay Yapak Punong Brgy Hector Casidsid.

Kung saan ang reklamong ito laban kay Casidsid ay ipinaabot sa konseho ng limang Kagawad nito sa Yapak.

Kaugnay nito, bukas araw ng Biyernes, ika labin tatlo ng Enero sa Balabag Action Center, magkakaroon ng Committee Hearing ang mga kumitiba ng SB Malay na kasama sa pag- asses at pag-e-imbistiga sa kasong administratibong isinampa sa Punong Barangay.

Matatandaang, kinasuhan ng limang Brgy Kagawad ng Yapak si Casidsid, dahil sa di umano ay may ginawa itong hukos pukos sa ilang dukomento ng Brgy, na ginamit ang kanilang lagda at lagda na nakalap mula sa mga mamamayan doon para sa kampanya ng “No to Casino”.

Ang kaso na ito ang ikalawang reklamo na isinamapa kay Casidsid, subalit ang nauna reklamo ay napagsilbihan na nito ang penalidad nang masuspende ito.

No comments:

Post a Comment