YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 12, 2011

Mga bagong opisyal ng BFI, nakatuon pa rin sa yamang dagat

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pormal nang nailuklok bilang pangulo si Jony Salme kasama ang bagong halal na mga opisyal ng Boracay Foundation Incorporated o BFI matapos manumpa ang mga ito nitong nagdaan sabado ika-siyam ng Hulyo.

Ayon kay Salme, pagtutuunan pa rin ng atensyon at prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ng nasabing organisasyon ang pag-preserba ng mga korales at pagsasalba sa mga nasisirang yamang dagat.

Sinabi din nito na ipagpapatuloy pa rin ng mga bagong luklok na opisyal ng BFI ang mga nasimulan na ng dating administrasyon nito.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nila napag-uusapan ang mga proyektong plano nilang ipapatupad.

Ang magalaga umano sa ngayon ay ang kanilang kooperasyon sa lokal na pamahalaan ng Malay at ang pagpaplano kung anong mga ordinansa ang kanilang hihilingin na dapat higpitan ang pagpapatupad.

Sa kabilang banda, mariin din nitong sinabi na itutuloy pa rin ng BFI ang kanilang laban ukol sa reklamasyon.

No comments:

Post a Comment