YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 12, 2011

Kauna-unahang SOMA ni Mayor Yap, kanselado

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter

Ngayong araw sana nakatakda ang kauna-unahang State of the Municipality Address o SOMA ni Mayor John Yap.

Sa mismong regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay, inaasahang ipapaabot ng alkalde ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taong panunungkulan nito bilang Punong Ehikutibo ng Bayan.

Maririnig na sana ng taumbayan ang kanyang mga plano para sa kanyang nasasakupan.

Subalit kinumpirma ni Malay Administrator na hindi muna ito matutuloy ngayong araw.

Sapagkat  dadalo aniya ang alkalde sa okasyon ng muling pagbisita ni Pangulong Noynoy Aquino III sa Aklan partikular sa bayan ng Kalibo.

Maliban sa pagdalo ng Alkalde, inaasahan ding makikibahagi ang buong Sangguniang Bayan ng Malay makaraang imbitahan din ang mga ito sa nasabing pagtitipon.

Dahil dito,ideneklara nalang din ng konseho na kanselado ang sesyon upang bigyang daan ang pagdating ni pangulo sa Aklan.

No comments:

Post a Comment