YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 01, 2011

SP Templonuevo tila nahiya nalang sa pagiging late nito sa sesyon

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Kaugnay sa sentimento ni Sangguniang Panlalawigan Member Raymar Rebaldo, tila nahiya tuloy si SP Member Gerick Teplonuevo dahil sa huli na itong dumating sa regular na sisyon ng SP nitong umaga.
Ang masaklap pa, ilang minuto pa lang ito mula ng dumating at hindi pa nag-init kahit ang upuan nito ay ideniklara nang tapos na ang sesyon.

Kung saan ang rason ng pagdeklara ng maagang pagtatapos ng sisyon ay dahil sa wala naman mainit na pinag-usapan sapagkat ang nasa agenda na committee report ay hindi natuloy dahil wala ding nangyaring Committee Hearing.

No comments:

Post a Comment