YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 30, 2011

Pagrenew at pag-a-apply ng business permit sa Malay, mas mabilis na

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Garantisadong mas mabilis na ngayon ang pagproseso ng mga dokumento kung mag-aaply at magre-renew ng Business Permit, sapagkat, ipinapatupad na ang one stop shop sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Ito ang inihayag ni Ginang Alicia Manlabaw ng Licensing Department ng LGU Malay ukol sa makabagong teknolohiyang gamit ng nasabing departmento para mapabilis ang serbisyo at hindi na tumagal at pabalik balik sa pagkuha ng Business Permit.

Maliban dito, nag dagdag din ng panibagong posisyon sa katauhan ni Jean Salsona sa tanggapan ng Alkalde para sa ganitong layunin na siya na ang magsasala  sa mga dukomento at aplikasyon sa mga negosyo.

Ang pagkaroon ng panibagong posisyon na ito ay kasama umano sa bagong sistima ng munisipyo, lalo pa ngayong kailangan ito dahil sa dumadami na rin ang establishemento sa Boracay at buong bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment