YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 18, 2011

Mga resort sa Boracay, fully booked na --- Cann


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Kasabay ng pagdagsa ng pulu-pulutong na mga turista sa isla, inihayag ngayon si Loubel Cann ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) na fully book na ngayon ang mga resort sa isla.

Aminado din si Cann na mayroon nang mga residential establishments dito sa Boracay na tumatanggap na nang mga dayuhang panauhin lalo sa yaong wala nang matutuluyang resort pa dahil sa punuan na, kaya kahit papano ay pinapatulan na lang ang mga offer ng residential para kumita.

Aniya, sa ganitong pagkakataon ng summer ay hindi ito maiiwasan sapagkat ang iba dito ay nagmamakawa na rin, gayong ang mga bakasyunista na ito ay may mga ticket na papuntang Boracay  ilang buwan pa bago ang bakasyon.

Gayun paman, umaasa si Cann na sana ma-kontrol ang ganitong nakasanayan, para na rin sa proteksyon ng ng mga dayuhan.

1 comment: