YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 21, 2011

Caticlan Commander ng Coast Guard, nagsalita sa pagka-arogante ni Napoles


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Si Aklan Commander at Caticlan Coast Guard Lt. Commander Terence Alsosa na mismo ang naghingi ng dispensa sa naging gawi ni Senior Chief PT Officer Ramonito Napoles, Assistant Commander ng Caticlan Coast Guard, nang magpakita ito ng kanyang pagka-arogante ng kapanayamin ng YES FM News Center noong Martes, ika-labinsiyam ng Abril.

Kaugnay nito, hiniling ni Alsosa sa panayam ng himpilang ito na kung maaari ay siya na lang ang interbyuhin kapag mayroon mga isyu o katanungan na may kinalaman sa Coast Guard at ang bagay na iyon ay ipapa-alam na rin umano nito sa kanyang mga nasasakupan para makaiwas sa kahalintulad na pangyayari.

Samantala, patungkol naman sa aroganteng mga pahayag ni Napoles, ipinaliwanag ni Alsosa na marahil ay hindi lang inaasahan ni Napoles ang katulad sa tanong na iyon.

Maliban dito, hindi rin siguro umano alam ni Napoles ang tungkol sa impormasyon na may nakalusot na droga, kaya naging ganoon ang sagot nito.

No comments:

Post a Comment