Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
Sa imbestigasyon ng Boracay Coastguard, naligo ang nasabing
grupo pasado alas-8 ng umaga nang bigla na lamang umano ang mga itong
hilahin ng malakas na alon papunta sa gitna.
Kaagad umanong nalunod ang mga biktimang sina Riza Del Mundo at Gino Socito.
Kaagad umanong nalunod ang mga biktimang sina Riza Del Mundo at Gino Socito.
Sa agarang pagresponde ng mga rescuers ay nailigtas si Riza,
subali’t dead-on-arrival naman sa ospital ang 20-anyos na si Gino.
Patay din ang isa pang bakasyonistang si Dobby Pedrosa ng
Valenzuela City na sinasabing tumulong lang para mailigtas ang mga nasabing mga
estudyante.
Samantala, kaninang tanghali ay idineklara naman ng ospital
na ligtas na ang iba pang mga biktima na sina Matthew Yambao, Francis Harina, at
JR Apostol, lahat ng Pasig City.
Payo naman ng mga taga-Coastguard sa publiko, ipagpaliban na
muna ang paliligo sa dagat lalo na kung masama ang panahon.