YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 27, 2019

Public Utility Vehicle Modernization isinusulong ng Office of Transportation Cooperatives

Posted June 21, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 16 people, people smiling, people standing and indoorPinulong ng OTC o Office of Transportation Cooperative ang mga kooperatiba at mga transport group sa Caticlan, Malay kaninang umaga para sa isinusulong programa na Public Utility Vehicle Modernization.

Ayon kay Richard Osmeña, Regional Director ng LTFRB-6, mahalaga ang modernization programa na ito ng gobyerno para ang publiko ay mabigyan ng mas komportableng serbisyo ng mga pampublikong sasakayan mapalupa man o dagat.

Layunin din ng programang ito na ayudahan ang mga transport cooperative na makakuha ng accreditation at kapital para sa pagpapalit ng mga lumang unit.

Ani Osmeña, walang problema pagdating sa franchising dahil mayroong bangkong magpapahiram ng pera kung sakaling wala pang sapat na puhunan para dito.

Alalayan din ng OTC ang mga kooperatiba sa kanilang operasyon sa pamamagitan ng training at financial management kabilang na ang mga technical assistance.

Samantala, sa darating na Hulyo 4 ay magkakaroon ng National Launching sa mga bagong bus, jeepney at taxi units upang ipakita kung ano ang direksyon ng modernization program.

Kapag fully implemented na ito, aasahan umanong ang mga PUVs at mga sakayang pandagat ay magkakaroon ng wifi, aircon at marami pang iba.

Ilan sa mga dumalong grupo sa Malay at Boracay ay ang BLTMPC, CBTMPC at mga TODA sa mainland.

Ang “Public Utility Vehicle Modernization” na ito ay unti-unti ng ipinapatupad sa buong bansa ng Duterte Administration katuwang ang DOTc, OTC, LTO, at LTFRB.

No comments:

Post a Comment