Inna Carol
Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT

Ayon sa may-ari na si Raymond Manalo, napansin umano
nitong umuusok ang pinauupahang bahay kung kaya’t agad niya itong pinuntahan at
doon nga naaktuhan nito ang suspek na na sinusunog ang loob ng bahay.
Bago nito, dumaan umano ang suspek sa bintana at ng
malaman na nasa loob na ito ay sinarado ito ni Manalo para hindi ito makatakas.
Agad namang naapula ang apoy na nagmula sa mga sinilabang papel at karton.
Hindi naman sukat akalain ni Manalo na magagawa ito ng
batang suspek na ayon sa huli ay
madalas sa lugar.
Nabatid na ang bahay ay pinapaupahan ni Manalo sa mga
trabahador ay contractor ng isang hotel na malapit sa area.
No comments:
Post a Comment