YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 08, 2019

MASBOI ini-reklamo ang mga colorum na mga Paraw sa Boracay


Posted March 6, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Ikinagulat ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay matapos madiskubreng mayroon umanong nag-ooperate na mga ilegal o colorum na mga bangka at paraw sa isla ng Boracay.

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorNag-ugat ang usapin matapos ipatawag ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang mga water sports operator at kooperatiba kaugnay sa reklamo sa kanilang mga taripa na ang iba umano ay nag-aalok ng mas mababang presyo.

Napag-alaman din kay Mike Sinel na Chairman ng MASBOI Sailboat Multi-Purpose Cooperative na may mga hotels umanong nag-mamanage at nag-ooperte ng mga bangka lalo na ang mga paraw na hindi alam ng kanilang opisina.

Sa pahayag ni SiƱel, may ilan sa mga miyembro nila ang nag-benta ng prangkisa ng paraw na ang sabi sa kanila sa Romblon ito dadalhin subalit binili pala ito ng mga negosyante at resort para sila na ang mga-operate.

Katunayan aniya, mayroong hotels na humihingi ng endorsement sa kanila pero hindi nila binibigyan dahil mayroon ng 160 units ng paraw ang nagooperate sa isla kung saan hinati na nga nila ito upang hindi sumikip sa front beach.

Ganito rin ngayon ang problema ng BIHA-MPC na kooperatiba ng mga bangkang na pang island hopping.

Dagdag pa ni Sinel, karamihan sa mga ilegal na paraw ay makikita sa area ng BTR at Diniwid Beach.

Paglilinaw ng MASBOI, mayroon na umanong ideya ang TREU at MAP at katunayan ani Sinel ay sinulatan na nila ito kasama ang Philippine Coast Guard.

Kaugnay nito, ipapatawag sa susunod na plenary ang pamunuan ng TREU at MAP upang pagpaliwanagin kung bakit hindi nila naiimplementa ang paghuli sa mga lumalabag.

Samantala, iminungkahi ni SB Member Pagsuguiron na maglabas ng moratorium sa pag-issue ng business permit sa paraw habang patuloy ang imbestigasyon.

No comments:

Post a Comment