Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Sa kulungan ang bagsak ng isang habal-habal driver
matapos itong hulihin dahil sa kasong rape kahapon sa Barangay Balabag.
Sa blotter report ng Malay PNP, kinilala ang ang suspek
na si Jovenson Columbres, 29-anyos, tubong Buenasuerte, Nabas at nakatira sa Sitio Pinaungon Ibabaw isla ng Boracay.
Hinuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na may
Criminal Case no. 14672 for the Violation of Republic Act 8353 (Rape) na inisyu
ni Hon Judge Bienvenido P. Barrios, Presideng Judge of RTC Branch 3, Kalibo,
Aklan na may petsang March 14, 2019.
Nabatid na kinasuhan ang suspek ng kanyang mismong
live-in partner matapos umano nitong nahuli na nakipagtalik sa anak nito sa
unang asawa na 15-anyos.
Sa panayam Yes The Best NEWS sa suspek, taong 2015 pa
umano ito nangyari kung saan inamin nito na nagkaroon sila ng relasyon ng anak
ng kaniyang kinakasama.
Sinabi nito na pinagsisihan niya ang nagawang kasalan
dahil mismong anak ng kanyang asawa ang kanyang nakarelasyon at may nangyari pa
sa kanila.
Samantala, wala namang inilaang piyansa para sa
pansamantalang kalayaan ng suspek.
No comments:
Post a Comment