Pages

Thursday, March 14, 2019

Malay PNP, nilalambat na ang mga trike driver na hindi nagpapasakay ng pasahero

Posted March 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
Photo Credits : Malay PNP and MTO
Dahil sa matigas ang ulo at hindi parin nagpapasakay ng pasahero, isang stratehiya ngayon ang ginawa ng Malay PNP upang malambat at makilala ang mga pasaway na driver sa Boracay.

Sa panayam kay PSI Dexter Brigido ng Malay PNP Sub-Station 2, pinaghuhuli nila simula kahapon ang mga tricycle at e-trike na tumatangging magpasakay o kaya hindi namamansin kapag may pumapara.

Ang hindi alam ng mga driver, mga naka-sibilyan na pulis na pala ang pumapara at kapag hindi nagpasakay ay agad tini-timbre sa mga pulis na naka-abang hindi kalayuan para hulihin ang mga ito.

Image may contain: one or more people and people standing

Ang hulihan ay ginawa sa area ng Budgetmart sa D’mall, 24/7 at Balabag Plaza kung saan labing apat na driver’s ang agad ang kanilang nahuli dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 342-2015 at 383-2018.

Ani Brigido, sinilbihan ang mga ito ng citation ticket na pagbabayarin ng penalidad na P 2, 500, pagkumpiska ng drivers license at labing limang araw na suspension.

Ipinasiguro nito na hindi sila titigil na hulihin ang mga pasaway na drivers hanggat hindi ito tumitino.
Dagdag pa nito, iri-refer nila ang mga nadakip na mga driver sa opisina ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC.

Layun ng hakbang na ito ay upang masawata ang samut-sari at paulit-ulit na reklamo ng publiko kaugnay sa ilang mga tricycle driver na namimili ng pasahero.

No comments:

Post a Comment