Pages

Monday, March 18, 2019

Dalawang Water Company sa isla, hinikayat ang publiko na magtipid ng tubig dahil sa Dry Spell

Posted March 18, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 4 people, people smiling, people standingDahil ramdam na ang El NiƱo sa bansa, hinikayat ngayon ng dalawang water provider na Boracay Island Water Inc. at Boracay Tubi System Inc. ang publiko na magtipid ng tubig kahit na wala namang nararanasang water shortage sa bayan ng Malay.

Sa panayam kina Jojo Tagpis, Operations Manager ng Boracay Tubi at BIWC General Manager Mabelle Amatorio, “sufficient” pa naman umano ang level ng tubig sa Nabaoy River at wala pang dapat ikabahala.

Lumabas kasi sa El Nino Advisory ng PAGASA na napasama ang probinsya ng Aklan sa makakaranas ng dry spell o tuyo at maalinsangang panahon na magtatagal hanggang buwan ng Hunyo na posibleng magdulot ng krisis sa tubig.

Ilan sa mga ibinahaging paghahanda ng dalawang kompanya ng tubig ay ang paglalabas ng tips para sa maayos na paggamit ng tubig at close monitoring sa Nabaoy River at Putol River sa Caticlan.

Sa pahayag ng Boracay Tubi, nasa 8-million liters per day ang sinusuplay nilang tubig sa Boracay habang umaabot naman sa 13-million liters per day sa panig ng BIWC.

Samantala, ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO, sa kanilang monitoring ay hindi maipagkakaila na bumaba ang lebel ng tubig sa Nabaoy River kaya mas mainam na mapaghandaan ito ng maaga katuwang ang lahat ng water providers kasama na ang Malay Water District sa mainland.

Malaking hamon aniya ito dahil super-peak season na sa Boracay at mataas ang demand ng tubig sa turista maliban pa sa pang-araw araw na gamit ng mga residente.

Sa huling kalatas ng PAGASA, nasa sampung probinsya na ngayon ang nakakaranas ng “drought” habang apatnapu’t isa naman kabilang ang Aklan ang napabilang sa mga probinsiyang may “dry spell”.

No comments:

Post a Comment