YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 18, 2019

Habal habal driver na wanted sa kasong rape arestado sa Boracay

Posted March 15, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more peopleSa kulungan ang bagsak ng isang habal-habal driver matapos itong hulihin dahil sa kasong rape kahapon sa Barangay Balabag.

Sa blotter report ng Malay PNP, kinilala ang ang suspek na si Jovenson Columbres, 29-anyos, tubong Buenasuerte, Nabas at  nakatira sa Sitio Pinaungon Ibabaw isla ng Boracay.

Hinuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case no. 14672 for the Violation of Republic Act 8353 (Rape) na inisyu ni Hon Judge Bienvenido P. Barrios, Presideng Judge of RTC Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang March 14, 2019.

Nabatid na kinasuhan ang suspek ng kanyang mismong live-in partner matapos umano nitong nahuli na nakipagtalik sa anak nito sa unang asawa na 15-anyos.

Sa panayam Yes The Best NEWS sa suspek, taong 2015 pa umano ito nangyari kung saan inamin nito na nagkaroon sila ng relasyon ng anak ng kaniyang kinakasama.

Sinabi nito na pinagsisihan niya ang nagawang kasalan dahil mismong anak ng kanyang asawa ang kanyang nakarelasyon at may nangyari pa sa kanila.

Samantala, wala namang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


No comments:

Post a Comment