
Nadiskubre ito bandang alas-diyes ng umaga ng sinubukan
itong gisingin ng kaibigan at kapwa kiteboarder sa silid na kaniyang
tinutuluyan.
Kinilala ang biktima na si Toomas Teder, 54-anyos at
isang kiteboarding instructor.
Sa pagtantiya ng doktor na sumuri, posibleng namatay ito
ng madaling-araw.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Malay
PNP at SOCO sa totoong sanhi ng pagkamatay ni Teder.
Bagamat posibleng natural death ito, pinayuhan ng SOCO
ang mga kaibigan na isailalim sa autopsy ang bangkay.
No comments:
Post a Comment