Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
![](https://scontent.fmnl6-1.fna.fbcdn.net/v/t1.15752-9/51870252_2017068808387158_3367731887412871168_n.png?_nc_cat=102&_nc_ht=scontent.fmnl6-1.fna&oh=25d41c884d8799786d12956cf1057046&oe=5D28FDEC)
Ito ang pahayag ni Malay Acting Mayor Abram Sualog sa
panayam sa kanya nitong Sabado sa Boracay Good News.
Ani Sualog, “tentative date” ito habang hinihintay nilang
ma-facilitate ang donation ng E-trike mula sa Department of Energy at
pag-amyenda ng ordinansa sa specification ng E-trike lalo na sa seating
capacity.
Bagamat pumasa umano ang E-trike ng DOE sa laki at lapad
ay lima lang ang pwedeng isakay nito maliban sa driver taliwas sa 7-9 na
seating capacity sa ordinansa.
Dagdag pa ni Sualog, na-delay ang implementasyon ng
E-trike Program ng Malay dahil pinagbigyan muna nila ang ilang franchise holder
na hindi pa naka-avail ng E-trike.
Ang 180 units na donasyon mula sa DOE ay ipapamahagi sa
250 na franchise holder na wala pang unit ng E-trike sa pamamagitan umano ng
“raffle”.
Dahil non-transferable ang franchise, paliwanag ni
Sualog, kapag pinalad na mabunot ay mapupunta ito sa naka-pangalan at hindi sa
nakabili ng prangkisa.
Samantala, kung matutuloy ang phase-out ng trasyikel sa
itinakdang petsa ay magkakaroon ng Deployment Plan ang Sangguniang Bayan ng
Malay at DOE sa operasyon o fleet management ng mga units.
No comments:
Post a Comment