YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 04, 2018

Road Rehabilitation ng DPWh, nagsisimula na

Posted June 2, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: sky and outdoorKagaya ng ipinangako, full blast na ngayon ang trabaho ng DPWH sa patuloy na road rehabilitation alinsunod sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.
Ayon kay Aklan DPWH OIC Engr. Noel Fuentebella, puspusan na ang ginagawa nilang pagsasa-ayos sa mga kalsadahin na lalagyan ng pipe bago ito latagan ng bagong kalsada na daanan ng mga sasakyan.

Aniya, labing anim hanggang labing walong oras ang igugugol nila upang madaling matapos ang 490million na inilaan sa rehabilitasyon ng kalsada.

Sambit pa ni Fuentebella, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Transportation Office ng Malay dahil naman sa gagawing re-routing sa Boracay.

Samantala, naglagay narin umano sila ng mga warning signs upang maiwasan ang disgrasya sa kalsada.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng DPWH sa mga AKLECO at PANTELCO para ma-relocate ang mga poste at utility lines para hindi maabala ang kanilang operasyon.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation
#DPWH

No comments:

Post a Comment