Pages

Friday, June 29, 2018

Department of Agriculture tumulong na rin sa Boracay Rehabilitation

Posted June 28, 2018

Image may contain: 1 person, sky, tree and outdoor
Maliban sa Inter-agency Task Force, nag-ambag din ngayon ang Department of Agriculture ng sarili nilang inisyatibo para makatulong sa mga apektado ng Boracay closure.


Sa pagbisita kahapon ni Secretary Emmanuel Piñol, hinandogan nila ang mga katutubong ati sa isla ng sampung bangka na  sa pangingisda at kagamitan para sa pagtatanim.

Ayon kay Evangielyn Tamboon tagapagsalita ng Ati Community, malaking tulong ang ipinagkaloob ni Sec. Piñol dahil may pagkukunan na sila ng makakain at tulong para sa kanilang pangkabuhayan.

Image may contain: one or more people and indoor
Aniya, maraming oportunidad na ibinigay sa kanila si Sec. Piñol katulad nalang umano na pwede silang magloan ng pera para sa kanilang negosyong binabalak na siya namang imomonitor ng Department of Agriculture.

Nabatid, hindi lang ang Ati Community ang nais  ng DA dahil lahat ng organisasyon sa isla na apektado ng Boracay Closure ay isinasailalim nila sa orientation para mabigyan ng oportunidad na mabigyan ng ayuda magmula sa DA.

#YestheBestBoracayNews


No comments:

Post a Comment