YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 28, 2018

Aklanon, kinoronahang Miss Manila 2018

Posted June 27, 2018

Image may contain: 10 people, people smiling, people standing
(c) Luz Paton
Tinanghal at kinoronahan bilang Miss Manila 2018 ang tubong Aklan na si Kathleen Paton sa pageant night na ginanap sa Philippine International Convention Center kagabi.

Maliban sa titulo at , naiuwi rin ni Kathleen ang Best in Swimsuit, Miss Photogenic, Miss Cherry Mobile at Miss Derma world.

Nabatid na bago itong kompetisyon ay sumasali na si Paton sa mga beauty contest sa kanilang lugar sa Australia at nitong nakalipas na taon ay kinoronahan din ito bilang Miss Teen International sa Bangkok, Thailand.

Ang ama ni Paton ay isang Australian National at ang ina nito ay si Luz Sinag Paton na tubong Laserna, Nabas, Aklan at minsan na ring nanirahan ang pamilya sa isla ng Boracay.

Ikinagalak ng mga Aklanon ang pagkapanalo ng dalaga na ang ambisyon ay maging susunod na Miss Universe.

Labis naman ang pasasalamat ng ina ni Paton sa lahat ng mga tumulong sa kanyang anak at sumuporta lalo na ang mga fans ni Katleen sa Australia at dito sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment